Snowfall naranasan sa India, nagresulta ng malawakang blackout

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 07:52 AM

Nakaranas ng matinding snowfall sa India na nagresulta ng pagkawala ng suplay ng kuryente.

Sa buong Kashmir Valley, dalawang araw nang walang kuryente.

Ito ay makaraang mabagsakan ng mga puno ang ilang kawad ng kuryente sa lugar.

Maliban sa malawakang blackout, maraming lansangan din ang naapektuhan dahil sa kapal ng snow.

Maituturing na unseasonal ang snowfall sa HImalayan states sa India dahil hindi naman ito normal na nangyayari kapag Nobyembre.

Taun-taon, buwan pa ng Disyembre at Pebrero nakararanas ng snowfall sa India.

TAGS: India, Radyo Inquirer, Snowfall, India, Radyo Inquirer, Snowfall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.