PITX bubuksan na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 06:58 AM

Bubuksan na ngayong araw ang kauna-unahang “landport” sa bansa na Parañaque Integrated Transport Exchange (PITX).

Sa PITX, may maayos na schedule ng mga biyahe, may loading at unloading areas, may escalators at elevators, automated fare collection, at may online ticketing system.

Mayroon ding 24 hours CCTV cameras sa terminal para sa seguridad ng byahero.

Ang inagurasyon ng terminal ay dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas 4:00 ng hapon.

Iikutin din ng pangulo ang paslidad gaya ng ticketing counter at boarding area.

Ang PITX ay proyekto ng Department of Transportation at ng MWM Terminals, Inc. na magsisilbing transfer point ng mga provincial buses mula Cavite, Batangas at in-city modes of transportation.

Inaasahang mababawasan nito ang bilang ng mga provincial buses na bumabaybay sa Metro Manila.

TAGS: Parañaque Integrated Transport Exchange, pitx, Radyo Inquirer, Parañaque Integrated Transport Exchange, pitx, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.