Pinalawig ng mga otoridad hanggang Biyernes, November 9, ang isinasagawang search and retrieval operations sa Natonin, Mountain Province.
Sa isang panayam, sinabi ni Natonin Mayor Mateo Chiyawan na 13 katao pa ang nawawala hanggang ngayon at maliit na lamang ang tsana na makukuha pa ang mga ito nang buhay.
Aniya pa, umaalingasaw na ang hindi kanais-nais na amoy mula sa ground zero.
Samantala, ayon kay Chiyawan, hindi siya nakatanggap ng report mula sa Mines and Geosciences Bureau tungkol sa pagiging landslide-prone area ng Barangay Banawel kung saan nakatayo ang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH), taliwas sa sinabi ng kagawaran na kabilang sa high-risk area ang lugar.
Aniya, imposibleng magtayo ng gusali doon nang hindi na-test sa standard ng DPWH.