Piñol nagpaliwanag sa hindi pagdalo sa command conference sa Isabela

By Justinne Punsalang November 05, 2018 - 02:47 AM

Minarapat ni Agriculture Secretary Manny Piñol na magpaliwanag sa kanyang hindi pagdalo sa isinagawang command conference ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Isabela matapos ang pananalasa ng bagyong Rosita.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, sinabi ni Piñol na ipinaalam niya sa Office of the Preisdent na hindi siya makakarating sa Isabela dahil sa kanilang tradisyon na pagbisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay tuwing Undas.

Ayon sa kalihim, ni minsan ay hindi siya lumiban sa pagbisita sa puntod ng kanyang mga kaanak tuwing Undas at ipinapasa niya ang naturang tradisyon sa kanyang mga anak at apo.

Dagdag pa ni Piñol, ipinaalam niya sa OP na hahalili sa kanya para sa naturang command conference si DA Director Narciso Edillo.

Sinabi naman umano sa kanya ni Edillo na hinanap siya ng pangulo ngunit hindi naman ito nagalit.

Gayumpaman, ay humingi ng tawad si Piñol dahil sa hindi niya pagdating sa Isabela.

Pagtitiyak pa nito, ngayong araw ng Lunes ay pupunta siya sa naturang lalawigan upang makipagkita sa mga poultry raisers sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.