GSIS naglaan ng P11B pautang para sa mga nasalanta ng bagyo

By Justinne Punsalang November 05, 2018 - 03:11 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Mayroong inilaan na P11 bilyong emergency loan ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa kanilang mga miyembrong naging biktima ng pananalasa ng bagyong Ompong at Karding.

Partikular na maaaring kumuha ng naturang pautang ang mga miyembro ng GSIS sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR) na lubhang naapektuhan ng bagyong Ompong, at mga residente ng Tanay, Rodriguez, at San Mateo sa Rizal na binayo naman ng bagyong Karding.

Mula P20,000 hanggang P40,000 ang maaaring hiraming pera mula sa GSIS, depende na lamang kung mayroon pang hindi bayad na emergency loan mula dito.

Upang ma-avail ang pautang ng GSIS, dapat ang miyembro ay nagtatrabaho o naninirahan sa mga nabanggit na apektadong lugar.

Upang malaman ang mga karagdagang impormasyon at requirements sa pagkuha ng emergency loan mula sa GSIS, bisitahin lamang ang kanilang website na www.gsis.gov.ph o magtungo sa kanilang opisina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.