Maulang Lunes asahan sa Visayas at Mindanao
Dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay makararanas ng maulan na panahon ang Visayas at Mindanao, maging ang lalawigan ng Palawan.
Ayon sa PAGASA, asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong pag-ulan at thunderstorms sa mga nabanggit na lugar.
Bahagya hanggang sa maulap na kalangitan naman na may kasamang kalat-kalat na pag-uulan ang asahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, magiging maalinsangan ang temperatura sa bansa ngayong araw na nasa pagitan ng 24.4 degress hanggang 33.8 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.