Kidnap victim ng Abu Sayyaf mula 2017, buhay pa rin ayon sa pulisya

Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) – 9 na buhay pa rin hanggang ngayon ang negosyanteng dinakip ng Abu Sayyaf sa Sulu noong 2017.

Ayon kay PRO-9 director, Chief Superintendent Emmanuel Licup, buhay pa hanggang ngayon at nananatiling hawak ng Abu Sayyaf ang negosyanteng si Jelster Ed Tiu Quimbo.

Matatandaan na noong Setyembre 2017 nang dinakip ng anim na armadong mga kalalakihan si Quimbo na anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo.

Kinalaunan ay ibinigay ng mga armadong lalaki ang biktima sa ASG.

Ayon pa kay Licup, batay sa kanilang natanggap na impormasyon, regular na nakakausap ni Quimbo ang kanyang pamilya bagaman hawak ito ng mga bandido.

Aniya pa, sinisikap ng mga otoridad na marekober ang anim ng mga Pinoy at dalawang dayuhan na hawak ng Abu Sayyaf.

Read more...