Operating hours ng 17 malls sa EDSA iuurong simula bukas

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 06:48 PM

Inquirer file photo

Mas late nang magbubukas ang mga malls na nakatayo sa kahabaan ng mga major roads simula bukas, November 5, araw ng Lunes.

Ito ay upang maibsan ang inaasahang pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa holiday season.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) supervising operations officer Bong Nebrija, simula bukas hanggang sa January 11, 2019 ay magbubukas na ang mga mall simula alas-11 ng umaga.

Partikular na ipatutupad ang adjusted mall hours sa 17 mga mall na nakatayo sa EDSA, apat sa kahabaan ng Marcos Highway, lima sa C-5, at isa sa Commonwealth Avenue.

Hinimok din ng opisyal ang mga malls na huwag nang magsagawa ng sale kapag weekdays dahil malaking contributing factor ito sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada.

Kasabay nito ay bawal na rin ang mga road constructions ng mga pribadong kumpanya, maging ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kapag weekdays.

Inaasahan na dahil sa mga hakbang na ito ay matutugunan ang 20% traffic influx ngayong papalapit na holiday season.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.