Nag-amok na lalaki patay matapos kuyugin ng mga kapit-bahay

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 06:21 PM

Hindi napigilan ng mga kapit-bahay ng isang lalaki na kuyugin ito matapos mang-hostage ng isang 3 taong gulang na batang lalaki sa Barangay San Antonio sa Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang napaslang na suspek na si Hansel Namoro na isang security guard.

Nabatid na araw ng Linggo nang biglang mag-amok si Namoro at gamit ang isang itak ay tinaga nito ang pader ng isang bahay sa lugar.

Matapos ito ay pinasok ng suspek ang bahay ng pamilya Albaño.

Nakatakas si Angeline Albaño kasama ang isa niyang anak, ngunit naiwan nito ang tatlong taong gulang na anak na si John Andrew.

Dito na hinostage ni Namoro ang bata at nang tangkain ng mga kapit-bahay na rumespunde ay ginilitan ng suspek ang bata bago tinusok ng itak sa ulo na agad ikinasawi ng biktima.

Dahil dito ay kinuyog ng mga residente si Namoro na nasawi dahil sa insidente.

Ayon sa mga residente, tila wala na sa tamang pag-iisip ang suspek. Nagsimula umano ito noong iniwan siya ng kanyang asawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.