Cargo vessel patungong Boracay lumubog sa Aklan

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 06:06 PM

Lumubog sa karagatang sakop ng Malay, Aklan ang isang cargo vessel na patungo sanang Barangay Manok-Manok sa Boracay, umaga ng Linggo.

Batay sa ulat na natanggap ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-10:25 ng umaga nang makitang lumulubog ang sasakyang pandagat.

Nabatid na buhangin at graba ang karga ng cargo vessel.

Nailigtas naman ang 12 sakay ng cargo vessel na pawang mga crew members nito.

Sa ngayon ay hindi pa batid ang dahilan ng paglubog ng sasakyang pandagat.

Inaalam na rin ng PCG kung nagdulot ba ng oil spill sa lugar dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.