Mas mataas na bilang ng pasahero naitala ng Coast Guard ngayong Undas

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 08:05 PM

Mas mataas ang bilang ng mga pasahero ngayong Undas batay sa datos na hawak ng Philippine Coast Guard (PCG) kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Mula November 1 hanggang 2 ngayong taon, 410,595 ang kabuuang bilang ng mga sumakay sa mga sasakyang pandagat.

Mula sa naturang bilang, 228,809 ang naitala noong November 1, na 78% mas mataas sa 128,458 noong 2017.

181,786 na mga pasahero naman ang dumating sa mga pantalan noong November 2, na mas mataas pa rin sa 160,302 passenger turnout noong nakaraang taon.

Ayon sa PCG, ang mataas na bilang ng mga pasahero ay dahil natapat sa long weekend ang Undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.