Bagong Reina Hispanoamericana kinoronahan na

Reina Hispanoamericana

Naipasa na ng kauna-unahang Pinay Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez ang korona.

Sa kasamaang palad, hindi ito napunta sa pambato ng Pilipinas na Alyssa Muhlach, kundi sa kandidata ng Venezuela na si Nariman Cristina Battikha.

Sa katatapos lamang na coronation night ng 2018 Reina Hispanoamericana na ginanap sa bansang Bolivia, itinanghal si Miss Brazil Isabele Pandini bilang Virreina.

Samantala, si Miss Mexico Aranza Molina naman ang 1st finalist at si Miss Paraguay Ma. Belen Alderete ang 2nd finalist.

3rd finalist si Miss Bolivia Joyce Prado, at 4th finalist si Miss Chile Camila Helfmann.

Bagaman hindi nakapasok sa Top 10 ng pageant si Alyssa Muhlach ay tiniyak ni Winwyn na proud siya dito.

Sa kanyang Instagram Stories ay ibinahagi ng beauty queen ang litrato kasama si Alyssa nang magkayakap.

Agaw-pansin naman ang pulang gown ni Alyssa dahil sa disenyo nitong inspired sa watawat ng Pilipinas.

Ginawa ito ng local designer na si Benjie Leguiab IV na gumawa rin sa blue gown ni Alyssa na mayroong mapa ng bansa at kanyang suot para sa coronation night naman ng Miss World Philippines 2018.

Read more...