FEU binawian ang UE sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 10:03 PM

May tsansa pang makapasok ang Far Eastern University Tamaraws sa Final Four ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Ito ay matapos talunin ng koponan ang University of the East Red Warriors sa kanilang naging tapatan kanina na ginanap sa Ynares Sports Arena.

Nakabawi ang FEU sa UE na tumalo sa kanila sa unang round ng torneo. Natapos ang laro sa iskor na 80-61, pabor sa Tamaraws.

Dahil dito ay mayroon nang 6-6 win-loss record ang koponan at nasa ikaapat na pwesto kasama ang University of the Philippines Fighting Maroons.

Ang Warriors naman ay nananatili sa dulo ng torneo na mayroong 1-11 win-loss card.

Umaasa ang head coach ng Tamaraws na si Olsen Racela na matapos ang kanilang pagkapanalo kontra Warriors ay papabor pa rin sa kanila ang natitirang dalawang laban sa season upang makapasok sa Final Four.

Si Arvin Tolentino ang nanguna sa FEU matapos nitong makapagbigay ng 18 puntos at 5 rebounds. Sinundan naman siya ni Kenneth Tuffin na nakapagtala ng 17 puntos.

Samantala, para sa UE, naitala ni Alvin Pasaol hindi lamang ang team-high score, kundi maging ang game-high score na 24 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.