Malacañan sa mga kukuha ng bar exam: “We wish them luck”

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 06:53 PM

“We wish them luck.”

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malacañan para sa mga kukuha ng bar exams ngayong taon upang maging ganap na mga abogado.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sa taun-taon na nagaganap ang bar exams ay hindi maiiwasan na mayroong mga babagsak.

Ngunit aniya, ganoon talaga ang buhay, mayroong mga nakakapasa, ngunit mayroon din mga hindi pinapalad.

Ngayong taon, may kabuuang 8,701 na mga kukuha ng bar exams na ayon sa Supreme Court ay pinakamalaking bilang nitong mga nakalipas na taon.

Noong 2017, sa 6,748 na mga indibidwal na kumuha ng pagsusulit, 1,724 lamang ang nakapasa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.