Tulak ng droga patay sa engkwentro sa Laguna

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 04:28 PM

Inquirer file photo

Nasawi ang isang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa San Pedro, Laguna.

Kinilala ang target ng buy bust operation na si Rodolfo Mayorca.

Ayon sa mga otoridad, nakatunog ang suspek na pulis pala ang katransaksyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at pagbabarilin ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Mayorca.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang bulto ng shabu at isang hindi pa batid na kalibre ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.