Delivery boy arestado matapos manggahasa ng isang palaboy sa Pasig City

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 04:49 PM

Eastern Police District

Hawak na ng mga otoridad ang lalaking nanggahasa umano ng isang babaeng palaboy sa Barangay San Miguel, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Francisco Machica, 39 na taong gulang at isang delivery boy.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, Sabado ng umaga nang habang nasa loob ng isang pampublikong palikuran ang biktimang si alyas Arlene ay pinasok ito ni Machica at doon hinalay.

Isang saksi ang kumumpirma sa pagpasok ni Machica sa palikuran at naging dahilan sa pagkakaaresto nito.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang Pasig City Police sa City Social Welfare Department para ayusin ang pansamantalang tutuluyan ng biktima.

Inihahanda naman na ang kasong rape na isasampa laban sa suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.