17 bangkay narekober sa guho sa Natonin, Mountain Province

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 06:06 PM

Philippine Red Cross

Nadagdagan ng isa pang katawan ang nakuha ng mga rescuers mula sa guho sa ground zero sa Natonin, Mountain Province.

Sa kabuuan, 17 bangkay na ang nakuha mula sa landslide na tumabon sa gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar ayon kay Lieutenant Colonel Narciso Nabulneg, commanding officer of the 54th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Aniya, sa pagpapatuloy ng kanilang paghuhukay at paghahanap sa mga natabunan ng gumuhong lupa ay lumawak pa ang kanilang operasyon matapos madagdagan ang bilang ng mga rescuers, maging ang kanilang pagkakaroon ng heavy equipment.

Ani Nabulneg, bukas, araw ng Lunes ay inaasahan nilang mayroon pang darating na karagdagang heavy equipment.

Dagdag pa nito, magpapatuloy ang kanilang search and retrieval operations hanggang sa Biyernes, November 9, upang mahanap ang 14 pang katao na pinaniniwalaang natabunan ng landslide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.