San Antonio Spurs wagi kontra New Orleans Pelicans sa NBA

By Justinne Punsalang November 04, 2018 - 05:07 PM SHARE(S):
AP

Natamo ng New Orleans Pelicans ang kanilang ikalimang sunod na pagkatalo matapos pataubin ng San Antonio Spurs sa iskor na 109-95 para sa NBA.

Dahil dito ay nakuha naman ng Spurs ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Si DeMar DeRozan ng San Antonio ang nakapagtala ng pinakamataas na score sa pamamagitan ng kanyang 26 points. Sinundan naman siya ni LaMarcus Aldridge na mayroong 22 puntos.

Para naman sa New Orleans, si Jrue Holiday ang nakapagbigay ng team-high score na 29 points.

Sa Lunes ng gabi ay makakatapat ng Pelicans ang Oklahoma City Thunders, habang Linggo naman ng gabi sa Estados Unidos ay makakalaban ng Spurs ang Orlando Magic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.