Lanao del Sur niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

(UPDATE) Naramdaman ang isang magnitude 6.0 na lindol sa bayan ng Balindong sa Lanao del Sur ngayong hapon ng Linggo.

Batay sa earthquake information number 2 na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-3:55 ng hapon.

Naitala ang episentro ng lindol sa 1 kilometro hilagang-kanluran ng nabanggit na bayan.

May lalim ang pagyanig na 617 kilometro, at tectonic ang pinagmulan.

Walang naitatalang intensity ang lindol.

Paglilinaw ng PHIVOLCS, taliwas sa kanilang naunang earthquake advisory, hindi magdudulot ng aftershocks ang lindol at wala ring inaasahang pagkasira sa mga ari-arian dahil dito.

Read more...