Isang karinderya sa QC na ginagawang tindahan ng droga, sinalakay ng mga pulis

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 02:34 PM

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District o QCPD station 3 ang isang karinderya na ginagawang tindahan din umano ng droga sa Barangay Bahay Toro.

Dalawa ang arestado sa operasyon ngayong araw ng Linggo (November 4), at nasamsam sa karinderya ang iba’t ibang mahahabang baril, mga ilegal na droga at drug paraphernalia.

Mayroon pang nadiskubre sa inidoro na isang sanchet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa hepe ng QCPD Station 3 na si Supt. Alex Alberto, sa naturang karinderya ay hindi lamang pagkain ang binibenta dahil pwede raw umorder ng droga.

Mga estudyante raw ang suki ng mga suspek.

Bukod sa dalawang suspek, mayroon pang tatlong indibidwal na inimbitahan ang mga pulis para isailalim sa imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.