Sister Patricia Fox, nakauwi na sa Australia

 

Dumating na Melbourne, Australian si Sister Patricia Fox.

Sinalubong siya ng kanyang mga kaanak at kaibigan sa Melbourne Airport, Linggo ng umaga (November 4).

Sa ulat ng Sydney Morning Herald, sinabi ni Fox na masaya siya sa pag-uwi sa kanyang hometown.

Subalit nalulungkot din aniya siya dahil sadyang mahirap iwan ang Pilipinas na kanyang naging tahanan sa loob ng dalawampu’t
pitong taon.

Umaasa si Fox na makakabalik siya sa Pilipinas, pero hindi muna ito mangyayari hangga’t president si Rodrigo Duterte.

Muli namang iginiit ni Fox na tumutulong lamang siya sa mga mahihirap sa Pilipinas, taliwas sa alegasyon ng Duterte administration.

 

Read more...