Pagpapaalis kay Sister Fox sa Pilipinas, politika ang dahilan – VP Robredo

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 10:53 AM

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na politika ang naging dahilan ng kinahinatnan ni Australian Missionary Sister Patricia Fox.

Ayon kay Robredo, nakakalungkot na ang pagpahayag ng saloobin ni Fox o ng kahit sinumang laban sa administrasyon ay kailangang pagbayaran.

Si Fox aniya ay isang banyaga na ini-alay ang kanyang buhay sa loob ng 27 taon sa bansa para tulungan ang mga mahihirap na
Pilipino.

Matagal na panahon ding tumulong si Fox sa mga Lumad, kaya ani Robredo, labis na nakakalungkot na pinaalis siya sa Pilipinas lalo’t mas Pilipino pa raw ang madre kaysa sa ibang Pinoy.

Umaasa naman si Robredo na darating ang panahon na babalik si Fox sa Pilipinas at ipagpapatuloy ang kanyang misyong tulungan ang mga Pilipino.

Si Sister Fox ay balik-Australia na makaarang hindi palawigin ng Bureau of Immigration ang temporary visitor’s visa.

Ang madre ay inaakusahan ng pagsali sa political activities sa bansa, na bawal na bawal gawin ng mga banyaga.

 

TAGS: Sister Patricia Fox, Vice President Leni Robredo, Sister Patricia Fox, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.