Dating guro, arestado makaraang tumangging magbayad at manggulo sa resto

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 10:38 AM

Arestado ang isang dating guro dahil hindi nakapagbayad sa isang restaurant sa Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Ma. Criselda Gureng, 45-anyos at taga-Quezon City.

Batay sa Marikina City Police Station 2, kumain si Gureng sa Giligan’s Restaurant sa Riverbanks Mall, Barangay Barangka, kahapon (November 3).

Umorder umano si Gureng ng mga pagkaing aabot sa halagang P1,037.00.

Pero makaraang maubos ang mga pagkain, tumanggi raw si Gureng na magbayad at nagbitaw pa ng hindi magagandang salita sa
manager ng restautant.

Agad na nagsumbong ang restaurant manager sa mga pulis, na nagpunta naman sa lugar at naaktuhan ang komosyon.

Pero sa halip na sumunod sa mga otoridad ay nagwala pa raw si Gureng at binuhusan pa umano nito ng beer ang isa sa mga pulis.

Dahil dito ay inaresto na si Gureng at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Marikina PNP.

Nahaharap naman sa patong-patong na kaso ang suspek gaya ng estafa, direct assault at alarm and scandal.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.