UPDATE: Mga kumpanya ng langis, may panibagong rollback sa mga produktong petrolyo

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 10:15 AM

 

Good news muli!

Sa ika-apat na sunod na linggo ay mayroong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay dahil pa rin sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Buena manong nagpatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum Philippines at Metro Oil.

Epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw ng Linggo, P1.10 kada litro ang kanilang kaltas sa gasolina habang P1.00 sa kada litro ng diesel.

Samantala, inanunsyo ng Petro Gazz at Eastern Petroleum na ang kanilang rollback ay epektibo bukas (November 05), alas-6:00 ng umaga.

Bahagyang mas mababa naman ang rollback ng Pilipinas Shell.

P1.00 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel at P0.65 sa bawat litro ng kerosene ang bawas-presyo, na ipatutupad simula sa Martes (November 6).

 

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.