Isinarang lugar sa Makati kung saan nagkaroon ng gas leak, binuksan na

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 09:57 AM

 

Photo credit: My Makati

Binuksan na ngayong araw sa publiko at mga sasakyan ang bahagi ng Evangelista Street sa Bangkal, Makati City kung saan nagkaroon ng gas leak.

Matatandaang na pansamantalang isinara ang lugar, partikular malapit sa Phoenix gas station, dahil sa gas leak na humalo sa imburnal o drainage system.

Gayunman, sinabi ng Bureau of Fire Protection o BFP na inaalam pa nila ang sanhi ng gas leak.

Noong gabi ng October 31 ay nakumpirma ng fire bureau na may gas leak, at agad namang kumilos ang lokal na pamahalaan ng Makati.

Ayon kay Mayor Abby Binay, naagapan nila ang nagbabadyang krisis, na maaaring makaapekto sa kanilang mga residente kung hindi naaksyunan kaagad.

Inatasan naman ni Mayor Binay si acting city administrator Atty. Michael Camiña pulungin ang mga may-ari ng lahat ng gasolinahan sa Makati.

Ito ay upang ipaalala sa mga ito ang regular na pag-inspeksyon sa kalagayan ng kani-kanilang fuel lines at mga imbakang tangke, at ipagbigay-alam sa City Hall kapag may problema.

Mangyayari ang meeting bukas (November 5), 1:00 p.m. sa Makati City Hall.

Hinihimok din ang mga residente at iba pang stakeholder na iparating ang kanilang mga concern, o kung naapektuhan sila ng gas leak.

 

TAGS: gas leak, makati city, gas leak, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.