Hindi bababa sa 15 katao, patay sa malagim na aksidente sa expressway toll gate sa China

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 09:31 AM

 

Sa China — Hindi bababa sa labing limang indibidwal ang nasawi habang mahigit apatnapu ang sugatan sa salpukan ng mga sasakyan sa toll gate ng isang expressway sa Lanzhou City sa Gansu Province.

Batay sa ulat, nasa tatlumpu’t isang sasakyan ang nawasak dahil sa pile-up accident, na naganap 7:20 ng Sabado ng gabi sa naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nawalan umano ng kontrol ang isang trak hanggang sa naararo na nito ang iba pang mga sasakyan.

Ang drayber ay nasa kustodiya na ng mga pulis, habang patuloy namang iniimbestigahan ang aksidente.

 

TAGS: China, China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.