Nonito Donaire, bagong WBA bantamweight champion

 

Photo credit: Nonito Donaire

Itinanghal si Nonito “The Filipino Flash” Donaire bilang bagong WBA bantamweight champion, kontra sa kalaban nitong Irish
boxer na si Ryan Burnett.

Sa kanilang boxing match sa Glasgow, United Kingdom, ipinamalas ni Donaire na balik-bantamweight class na siya makalipas ang pitong taon.

Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat si Donaire sa Panginoon, sa kanyang buong pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Sinabi ni Donaire na ipinagdarasal niya ang paggaling ni Burnett na nagtamo ng lower back injury habang bumabato ng suntok.

Bunsod ng injury ni Burnett, hindi na nito kinaya ang 5th round at agad siyang isinailalim sa medical treatment.

Naniniwala ang Pinoy boxer na mabilis na gagaling si Burnett at makakabalik muli sa boxing ring sa lalong madaling panahon.

Dahil naman sa panalo ni Donaire, umakyat sa 39-5 ang kanyang rekord habang ang naturang laban ang unang career loss ni Burnett, mula sa dalawampung boxing match nito.

Susunod na makakatunggali ni Donaire ang kanyang kaibigan na si WBO champion Zolani Tete.

 

Read more...