LOOK: Birthday message ni Claudine sa kanyang Mommy Vi

November 04, 2018 - 08:01 AM

 

“I will forever be your number 1 fan!”

Yan ang birthday message ng aktres na si Claudine Barreto sa kanyang “idol, nanay, friend at sister” na si Star for All Season Vilma Santos-Recto.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Claudine ang isang throwback photo kung saan magkayakap sila ni Ate Vi, at may hashtag na #VilmanianAko.

Ginaya nila ang pose nila sa actual movie poster ng pelikula nilang “Anak.”

Unang ipinost ni Claudine ang litrato noong Setyembre, kung nirepost para sa kaarawan ni Congresswoman Vilma.

Nagpaabot din ng birthday greetings ang kanilang fans, na pawang humihiling na magkaroon muli ng movie sina Claudine at Ate Vi.

Kahapon (November 3), ang 65th birthday ni Ate Vi.

At sa kanyang official Instagram account ay nagpasalamat siya sa lahat ng bumati at nakaalala sa kanyang kaarawan.

 

TAGS: Claudine Barretto, Vilma Santos, Claudine Barretto, Vilma Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.