Narekober na bangkay sa Natonin landslide, umakyat na sa 16

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2018 - 07:35 AM

 

CREDIT: MPSDEO-DPWH

Dalawa pang bangkay ang narekober sa landslide sa Natonin, Mountain Province.

Dahil dito, umakyat na sa labing anim ang death toll sa natabunang tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa naturang lugar.

Sinabi ni Natonin Mayor Mateo Chiyawan na mula sa labing anim na bangkay, labing isa rito ang nakilala na habang tatlo naman ang wala pang pagkakakilanlan.

Kahapon, nagsagawa na ang DPWH ng blasting upang matanggal ang malaking bato na nakaharang sa highway.

Nakakaapekto rin sa rescue teams ang makapal na putik sa highway.

Ilan sa mga bangkay ay dinala na sa kani-kanilang kaanak.

Magpapatuloy naman ang retrieval operations hanggang sa Lunes (November 5).

 

TAGS: Natonin landslide, Natonin landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.