Ilang bahagi ng Visayas at Mindanao makararanas ng pag-ulan dahil sa ITCZ

By Rhommel Balasbas November 04, 2018 - 06:38 AM

Walang nakikitang anumang sama ng panahon o bagyo na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa o tatlong araw.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, intertropical convergence zone (ITCZ) lamang ang umiiral partikular sa Visayas sa Mindanao.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA region dahil sa epekto ng ITCZ.

Maalinasangang panahon naman ang mararanasan sa buong Luzon at nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng bansa.

TAGS: intertropical convergence zone, ITCZ, PAGASA DOST, weather advisory, intertropical convergence zone, ITCZ, PAGASA DOST, weather advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.