NoKor, nagbabalang ituloy ang nuclear program

By Rhommel Balasbas November 04, 2018 - 06:00 AM

Nagbabala ang North Korea na itutuloy nito ang kanilang nuclear program sakaling hindi alisin ng Estados Unidos ang economic sanctions na ipinataw sa kanilang bansa.

Sa pahayag ng Foreign Ministry ng North Korea, sinabi nitong posibleng ibalik nila ang kanilang ‘pyongjin’ policy na layong isailalim sa advancement ang kanilang nuclear force.

Inaakusahan ng Pyongyang ang Washington na hindi tumutupad sa mga napag-usapan na nina North Korean leader Kim Jong Un at US President Donald Trump sa kanilang pulong sa Singapore noong Hunyo.

Matatandaang layon ng naturang pulong ang denuclearization ng buong Korean Peninsula.

Sinabi naman ni US Secretary of State Mike Pompeo na plano niyang kausapin sa susunod na linggo ang kanyang counterpart na si North Korean official Kim Yong Chol.

Hindi naman sinabi nito kung kailan at kung saan magaganap ang pulong.

Nanindigan si Pompeo na ipagpapatuloy ang economic pressures hanggang hindi tumutupad si Kim sa naging pangako kay Trump noong Hunyo.

Gayunman, iginiit ng North Korea Foreign Ministry na ‘incompatible’ ang pagpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa habang pinapatawan sila ng sanctions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.