Lola, natagpuang patay sa loob ng ref sa Cebu

By Rhommel Balasbas November 04, 2018 - 05:16 AM

Natagpuang patay ang isang 62 anyos na lola sa loob ng isang refrigerator sa sarili nitong bahay sa Barangay Tabunok, sa Talisay Cebu.

Ayon kay Talisay City Police Deputy Chief Inspector Ardy Cabagnot, kinilala ang biktima na si Victoria Loa.

Ani Cabagnot, nitong Biyernes, naireport sa kanila ng mga kaanak ng biktima ang biglang pagkawala nito.

Kasama pa umano na bumisita ito sa sementeryo noong Nobyembre 1, ngunit nang maihatid sa sariling bahay ay hindi na nila na-contact at nakita pa.

Kahapon, araw ng Sabado ay bumalik sa bahay ng biktima ang mga kaanak upang hanapin ito ngunit bumungad sa kanila ang umaalingasaw na amoy.

Binuksan nila ang refrigerator at dito na bumungad sa kanila ang duguang bangkay ng lola.

Isa sa mga vaults ng matanda ang sapilitang binuksan kaya’t tinitingnan na ng mga awtoridad ang anggulo ng pagnanakaw.

May natukoy nang persons of interest ang mga pulis at ikinakasa na ang follow-up operation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.