P1 rollback sa oil products, ipatutupad simula ngayong araw

By Rhommel Balasbas November 04, 2018 - 05:08 AM

Sa ikaapat na sunod na linggo ay mayroong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay dahil pa rin sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Piso ang bawas sa kada litro ng diesel habang P1.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Buena mano na magpapatupad ng bawas presyo ang Phoenix Petroleum Philippines na epektibo na ang rollback alas-6:00 ng umaga ngayong araw ng Linggo.
Sa advisory ng naturang kumpanya, maaga silang nagpatupad ng bawas-presyo para masulit naman ng mga motorista ang long weekend.

Samantala, nag-anunsyo na rin ang Petro Gazz at Eastern Petroleum na ang kanilang rollback ay epektibo bukas, Lunes, alas-6:00 ng umaga.

TAGS: oil price rollback, oil products, oil price rollback, oil products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.