UP wagi kontra NU sa UAAP 81 men’s basketball

By Rhommel Balasbas November 04, 2018 - 01:04 AM

Umakyat sa ikaapat na pwesto ang University of the Philippines matapos matalo ang National University sa iskor na 82-71 sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon.

Gumanda ang scorecard ng Fighting Maroons sa 6-6 habang dumausdos ang Bulldogs sa 3-8.

Nag-init ang UP sa ikalawa at ikatlong bahagi ng laro kung saan nagsimula silang lumamang at gumawa ng 13-0 run.

Sa natitirang dalawang minuto ng laban, sinubok ng NU sa pangunguna ni Dave Ildefonso na pababain ang lamang sa pamamagitan ng back-to-back 3-pointer shots at naitala ang iskor na 76-69.

Gayunman, agad na sinagot ito ng UP seniors na sina Gelo Vito at Paul Desiderio.

Nanguna para sa UP si Bright Akhuetie na mayroong 24 points habang si Desiderio ay may 12 points.

Nakakubra naman ng 24 puntos si Ildefonso para pangunahan ang Bulldogs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.