Magpapakalat ng 400 mga pulis ang National Capital Region Office (NCRPO) kaugnay sa gaganaping Bar Exams.
Gaganapin ang nasabing pagsusulit sa University of Santo Tomas sa apat na weekend sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na kabilang sa kanilang babantayan ay ang daloy ng trapiko at ang bisinidad ng UST at Sta. Mesa area sa lungsod ng Maynila.
Kaugnay nito ay ipagbabawal rin ang pagbebenta ng anumang uri ng alak sa paligid ng UST sa buong panahon ng pagsusulit.
Inaasahang aabot sa 9,000 examinees ang kukuha ng Bar Exam na gaganapin sa November 4, 11, 18, at 25 sa UST.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.