US ‘labis nang nababalaha’ sa bilis at lawak ng reclamation ng China

By Jay Dones November 08, 2015 - 04:02 PM

 

Mula sa inquirer.net

Nagpahayag ng ‘labis na pagkabahala’ ang Estados Unidos sa posiblidad na pagmulan ng kaguluhan ang patuloy na land reclamation na ginagawa ng China sa Asia Pacific Region.

Ayon kay Defense Secretary Ashton Carter nakikiisa ang Amerika sa pagtutok sa tila napakabilis na pagkilos at lawak ng mga itinataguyod na mga reclamation ng China sa South China Sea.

Dagdag pa Carter, partikular nilang pinangangambahan ang posibilidad na pagmulan ng ‘miscalculation’ sa pagitan ng mga claimant states ang mga hakbang na ito ng China at ang potensyal na magsimula ito ng militarization sa lugar.

Kasabay nito, nangako si Carter na ipagpapatuloy ng US ang pagpapakita ng presensya sa South China Sea tulad ng ginawa kamakailan ng USS Lassen na naglunsad ng ‘freedom of navigation operation kamakailan malapit sa isa s amga artificial island ng China.

Nitong nakalipas na Huwebes, binisita naman ni Carter ang crew ng USS Theodore Roosevelt aircraft carrier na nasa South China Sea.

TAGS: 9-dash line, South China Sea, US, 9-dash line, South China Sea, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.