Presyo ng gasolina at diesel may rollback sa susunod na linggo
Inanunsyo ng mga oil companies na muli silang magpapatupad ng price rollback sa papasok na linggo.
Epektibo sa Lunes ang bawas-presyo para sa diesel, gasolina at kerosene o gaas.
Sa kanilang advisory sa Department of Energy, aabot sa P0.79 kada litro ang bawas sa kada litro ng gasolina, sa diesel ay P0.77 samanatalang P0.80 naman sa kerosene.
Noong nakalipas na linggo ay nagpatupad rin ng rollback sa presyo ng kanilang paninda ang mga kumpanya ng langis.
Ang panibagong oil price rollback ay bunga ang pagsigla ng Piso sa kalakalan at bahagyang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market.
Noong November 1 ay nagpatupad rin ng P7.50 per kilogram na kaltas ang mga oil companies sa kanilang ibinebentang Liquified Petroleum Gas (LPG).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.