MMDA, pinayuhan ang publiko na bumalik ng Metro Manila bago mag-November 5

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nagbakasyon para gunitain ang Undas na bumalik ng Metro Manila bago mag-Lunes, November 5.

Ito ay upang makaiwas sa inaaasahang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa sabay-sabay na pag-uwi ng mga bakasyonista matapos ang long weekend.

Iginiit ni MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija na mas mabuti kung ang ilan ay mauuna na at hindi na sasabay sa bugso ng tao.

Gayunman, sinabi naman ng opisyal na sila ay nakahanda sa pinakamalalang pwedeng mangyari.

Anya, simula ngayong araw ay magpapakalat ang MMDA ng mahigit 2,200 personnel para bantayan ang mga traffic-prone areas lalo na ang mga terminal ng bus at loading at unloading areas sa kahabaan ng EDSA.

Giit pa niya, epektibo ang ‘no absent, no day off, no leave’ policy hanggang sa araw ng Lunes.

Read more...