Mainit na panahon mararanasan sa buong bansa ngayong araw – PAGASA
Walang namamataang anumang bagyo o sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, easterlies lamang ang umiiral sa bansa na magdadala ng mainit at maalisangang panahon.
Magiging maganda ang panahon sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.
Wala ng gale warning na nakataas sa anumang baybaying dagat ng bansa kaya’t malaya ang mga mangingisda na makapaglayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.