Free nationwide elections isinagawa sa Myanmar matapos ang 25 taon

myanmar elections
Inquirer file photo

Matapos ang dalawampu’t limang taon, isinasagawa sa Myanmar ang kauna-unahang free nationwide elections.

Inaasahang makakukuha ng malaking boto si Party Opposition Leader Aung San Suu Kyi mula sa tatlumpung milyong botante.

Pero hindi maaaring makaupo sa puwesto si Suu Kyi hangga’t hindi tinatanggap ng kalaban ang pagkatalo.

Matatandaang una nang nanalo sa eleksyon ang Nobel Peace Laureate na si Suu Kyi noong 1990 subalit hindi ito tinanggap ng militar.

Sa halip na maupo sa puwesto, isinailalim sa house arrest si Suu Kyi ng dalawampung taon at pinalaya lamang noong 2010.

Read more...