Maraming indibidwal ginamot sa Manila North Cemetery dahil sa Hypertension

By Rhommel Balasbas November 03, 2018 - 03:09 AM

INQUIRER Photo

Lumabas na hypertension ang naging pinaka-health concern ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery.

Sa tala ng Manila Health Department (MHD), 62 katao ang kanilang tinulungan hanggang Huwebes ng hapon kung saan 30 ay dahil sa hypertension.

Ayon sa MHD, karamihan sa mga ito ay matatanda at senior citizens.

Nagpaalala ang kagawaran sa mga pupunta pa lamang sa mga sementeryo na huwag pumunta ng tanghali at magdala ng tubig at ng maintenance drugs.

Samantala, kabilang din sa mga binigyan ng atensyong medikal ay ang mga nakaranas ng pagkahilo, hika at constipation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.