56 trak ng basura nakuha sa mga sementeryo sa Maynila
Umabot na sa 56 trak ng basura ang nalimas mula sa Manila North at Manila South Cemeteries mula noong October 30 ayon sa impormasyon mula sa Manila Department of Public Services (MPDS).
Sa ulat ng MPDS na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula bisperas ng Undas hanggang Biyeres ng hapon, 35 trak ng kalat ang nakolekta mula sa Manila North Cemetery habang 26 ang sa South Cemetery.
Dismayado si MMDA Task Force Special Operations Commander Edison Nebrija sa dami ng basura na nakuha sa mga sementeryo at nanawagan sa publiko na itigil ang pagkakalat.
Sa kanyang mensahe sa INQUIRER, hinimok ni Nebrija ang mga mamamayan na maging responsible sa pagtatapon ng basura.
Kabilang anya sa mga basurang nakolekta ay mga pinagbalutan ng pagkain lalo’t pinayagan ang food stalls na magtinda sa mga sementeryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.