3 drug suspek sa Nueva Ecija patay sa kasagsagan ng Undas

By Rhommel Balasbas November 03, 2018 - 02:05 AM

Tatlong drug suspek ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Nueva Ecija nitong Todos Los Santos.

Kinilala ang unang dalawa na sina Jericho Escuadro at ang isa na si alyas ‘Matthew’ na nanlaban sa mga pulis sa Barangay Mangino sa Gapan City.

Ayon kay Gapan Police Chief Supt. Peter Madria, ang dalawa ay pawang mga residente ng Cabanatuan at nakuhaan ng ilang sachet ng pinatuyong marijuana.

Sa San Jose City naman, nasawi rin ang hinihinalang tulak ng droga na si Zoilo de Guzman.

Nakatunog ang suspek na pulis ang mga katransaksyon kaya’t nagpaputok ito ng baril dahilan para gumanti ang mga awtoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.