Taun-taon din ay isang environmental group ang may magandang layunin na i-recycle ang mga basurang ito para mapakinabangan pa ng tao.
Ang Tzu Chi Foundation ngayong taon ay nakakolekta ng 139 na sako ng plastic bottles na dudurugin at magiging sinulid para magawang mga damit at kumot.
Sa panayam ng INQUIRER kay Margie Gorospe, isa sa mga volunteers ng Tzu Chi na naka-istasyon sa Manila North Cemetery, ang mga damit at kumot na nagawa mula sa mga plastic ay naipapamahagi nila sa panahon ng kalamidad.
Nagsimula ang grupo noong manalasa ang Bagyong Ondoy sa Metro Manila at mga karatig-lugar taong 2009.
Nangongolekta ang mga volunteers ng Tzu Chi ng mga reusable items sa loob ng walong oras kada araw sa sementeryo.
Ani Gorospe, mayroong grupo ng volunteers na idinedeploy sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila tuwing Undas.