M3.4 na lindol naitala sa Davao Occicental
By Rhommel Balasbas November 03, 2018 - 01:55 AM
Naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental ala-1:04 madaling araw ng Sabado.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 207 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim itong 26 na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nagdulot ng aftershocks.
Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.