Mga mall alas 11:00 na ng umaga ang bukas simula susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 08:24 PM

Uumpisahan na ang pagpapatupad ng adjusted mall hours simula sa susunod na linggo.

Mula sa Lunes, Nov. 5, alas 11:00 na ng umaga ang bukas ng mga mall, isang oras na mas late kaysa sa alas 10:00 ng umaga na normal na pagbubukas.

Ito ay para makatulong sa pagibsan ng masikip na daloy ng traffic dulot ng Christmas season.

Ang adjusted na oras sa pagbubukas at pagsasara ng mall ay ipatutupad hanggang January 14, 2019.

Sakop nito ang 15 malls sa EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway.

Ang oras ng pagsasara naman ay depende na sa pasya ng mall operators.

Kasama din sa naging apela ng MMDA sa mga mall na iwasang mag-offer ng sale kapag weekdays.

TAGS: malls, mmda, operating hours, malls, mmda, operating hours

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.