Donnie Nietes haharapin ang Japanese Boxer na si Kazuto Ioka

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 07:32 PM

INQUIRER.net File Photo

Magkakaroon ng pagkakataon si Donnie Nietes na maging four-division World champion makaraang itakda ng World Boxing Organization (WBO) ang laban niya sa Japanese boxer na si Kazuto Ioka.

Paglalabanan ng dalawa ang WBO junior bantamweight title belt na walang may tangan sa ngayon.

Maituturing na umanong done deal ang laban ayon kay Michael Aldeguer ng ALA Promotions.

Lagdaan na lang umano ng kontrata ang kulang para maisapormal ang nakatakdang laban.

Unang nagkaroon ng tsansa para sa nasabing titulo si Nietes nang makalaban niya ang kapwa-Pinoy na si Aston Palicte pero split decision draw ang naging pasya ng mga hurado.

Si Nietes ay mayroong rekord na 41-1-5 habang 23-1 naman ang rekord ni Ioka.

TAGS: Boxing, Donnie Nietes, Kazuto Ioka, Boxing, Donnie Nietes, Kazuto Ioka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.