Pag-uusap nina Trump at Xi sa telepono, positibo – Beijing

Naging positibo ang pag-uusap sa telepono nina US President Donald Trump at Chinese President Xi jinping.

Sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, tinalakay ng dalawa ang tungkol sa trade deals ng dalawang bansa at iba pang mga isyu.

Nagkasundo aniya ang dalawang lider na palakasin pa ang “economic exchanges”.

Una nang innaunsyo ni Trump sa kaniyang Twitter ang pag-uusap nila ni Xi na tinawag niyang “very good conversation”.

Plano ng dalawang lider na magkita sa pagtitipon ng Group of 20″ sa Argentina ngayong buwan.

Read more...