15 trak ng basura nahakot sa Manila South Cemetery

Kuha ni Alvin Barcelona

Nasa 15 na trak na ng basura ang nahahakot mula sa Manila South Cemetery mula Biyernes ng umaga hanggang hapon.

Ayon sa Department of Public Service (DPS), 14 na maliliit at malalaking dumptruck ang naglabas ng basura mula sa sementeryo kaninang umaga habang isa pa ngayong hapon.

Sa kabila ito ng panawagan ng pamunuan ng sementeryo sa mga pumupunta na magbaon ng plastic na basurahan at iuwi ito sa kanilang mga bahay.

Ang mga nasabing basura ay dinala sa Pier 18 sa Maynila at ililipat sa barge para sa ihatid sa sanitary landfill ng lungsod.

Samantala, tinapos na rin ngayong araw ng Tzu Chi Foundation ang kanilang pangongolekta ng mga recyclable na basura sa loob ng sementeryo.

Natutuwa naman si Teodolo Granada- volunteer coordinator ng Tzu Chi sa Manila South dahil sa maganda nilang koleksyon ng mga water bottles.

Ang mga nakolekta nilang mga plastic bottles at cups ay ibenenta at ang malilikom na pondo ay gagamitin sa kanilang mga charity projects sa Pilipinas.

Ang iba naman ay gagamitin na materyales sa paggawa ng mga kumot na ipinamimigay nila sa mga biktima ng kalamidad.

Read more...