Abu Sayyaf leader, patay sa engkwentro sa Basilan

basilanPatay ang isang lider ng Abu Sayyaf Group matapos maka-engkwentro ang tropa ng Philippine Army sa Mount Sinangkapan, Tuburan, Basilan alas 3:00 ng madaling araw ng Linggo.

Nakilala ang nasawing ASG lider na si Abul Hasan Tanadjalon alyas Bullet.

Batay sa ulat nagpapatrulya ang mga sundalo nang matiyempuhan ang grupong ASG.

Umabot ng isang oras ang palitan ng putok kung saan napaslang si Tanadjalon.

Read more...